trilogy —

every poetry means a lot to me and describes how my girlfriend mean the whole world to me.

venn diagram. —

tangan

pagkakaiba't pakakapareho
pagsasamang mistulang perpekto.
panigurado;

araw-araw kang pipiliin
mga kalat mo'y lilinisin
aking pagkakamali ay aayusin.

at para sayo?

papatigilin ang paglaki ng kalawakan.
init ng pag-ibig mo, aking hahawakan.
paniniwalaan, at laging aasahan—

—na sa hirap at ginhawa
karamay ka sa pagpapanatili
ng pagmamahalang mahiwaga

mahal, lahat-lahat ng iyan aking ibibigay
at pangako
mamahalin ka habangbuhay.

modified yinyang  —

Harmony

gabi at umaga.
perpektong nagsasama,
kaaya-ayang pakiramdam.
sa iyo'y natatamasa

kadilimang mapang-lamon
nakakatakot kung mabaon
ngunit sa liwanag mong taglay
sinusubukang kong bumangon;

na mistulang bulaklak
sa harap ni haring araw,
at tila tubig sa karagatan na,
lumulubog at umaapaw...

...sa presensya ng buwan
oo ganyan,,,

ganyan ang pagtangi ko sa'yo,
maging sa pagtaas o pagbaba,
laging nasa tabi mo

at sana lagi mong tandaan aking sinisinta,
mas pipiliin ko ang puti't itim mong mga linya
kaysa sa bahaghari ng iba.

calm over chaos —

Eye of the Storm

sa pag-iisa,
nakahanap ng kasama

sa gitna ng delubyo,
nakahanap ng kapayapaan

sa mundong nakakapagod,
nakahanap ng pahinga

sa nagbabadyang bagyo,
nakasilong sa tahanan

Postscriptum —

to whom it may concern:

first of all, mirror shot nude ko yang swirlie keme na yan HAHAHAHAHAHAHA bhie im >///< teka lang activate ko lang ang aking pogi typings.

So ayon, (napangiti ako amputa, PAKYU 😭) Happy Birthday baba :> I'm always rooting for you and your growth.

And if I were to list all the things I love about you, tangina kukulangin tong 5-card website na to xd pero jokes aside, Nica, is it cheesy to say that I love you as a whole? I love your light and dark, your ups and downs, every little things that makes you, you. From your gOd-LikE music taste to your favorite ice cream flavor, oh God,, i love each and every one of them. Only God knows how grateful I am to have the chance to meet and love you for the second time, and I won't risk losing you again for that "charm" that comes in the third time. :)

(btw i hope ano, HAHAHAHAHA di ka magalit na i take action on my own about dun sa necklace xd di mo lang alam kung gaano kahirap yan makuha, muntik pa kong makipagbugbugan para dyan 😭🤚jk pero ayon,,, i know it means a lot to you kaya i really want you to have this on your birthday kaya gagi binahay ko talaga sya bhie dejk i hab ways 👀 i hope u appreciate my effort ♡)

I wanna stay falling in love with you but if i ever hit the ground,,, I will always choose you; over and over again.

I love you! My calm over chaos. ♡

(click that spotify icon baba :>)

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE