MGA AHENSYA NG GOBYERNO NA TUMUTUGON SA PANAHON NG KALAMIDAD

May mga ahensiya ng gobyerno na responsable sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.

NDRRMC, PAGASA, PHIVOLCS, DOTr, CAAP, PCG, PIA, NGCP, MMDA, DSWD, DepEd

Ang Disiplina at Kooperasyon ng mga Mamamayan at Gobyerno sa Panahon ng Kalamidad.

The BIG ONE

National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

Address: NDRRMC Operation Center
NDRRMC Building, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City
Email Address: ndrrmc@gmail.com
Website: www.ndrrmc.gov.ph
Trunklines: 911-5061 to 65
Operations Center: (02) 911-1406, (02) 912-2655, (02) 912-5668, (02) 912-0441

Ito ang sangay ng Gobyerno sa ilalim ng Kagawaran ng Tanggulang pambansa na responsable sa pagtitiyak ng proteksiyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng Sakuna, Kalamidad, at Krisis.

Pagbibigay ng maagang babala at paghahanda at pagsasamapa ng mga mapanganib na lugar.

Pagpapaunlad ng Database at pagpapalaganap ng impormasyon.

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Address: PAGASA Science Garden Complex, BIR Road, Barangay Central, Quezon City 1100
Email Address: Information@pagasa.dost.gov.ph
Website: www
bagong.pagasa.dost.govt.ph/www1.pagasa.dost.govt.ph
Trunkline: (02) 284-0800
Weather Division: 926-4258, 927-1541
Local Hotlines
Public Information: 102/103
Astronomical Unit: 106
Climatology and Agrometeorology Division: 903
Hydromet Division: 808

Iton ay tinatawag ding Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyo Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko. Ang PAGASA ay isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.
Nagbibigay ito ng Real-time sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo. Ang PAGASA ang naglalabas ng Public Storm Warning Signals.

Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)

Address: PHIVOLCS Building C.P. Gracia Ave., Diliman, Quezon City 1101
Email Address: phivolcs_mail@phivocs.dost.gov.ph
Request for educational tours: pivs_tours@phivolcs.dost.gov.ph
Website: www.phivolcs.dost.gov.ph
Hotlines: (+632) 426-1468 to 79

Tinatawag din itong Surian ng Pilipinas asa Bulkanolohiya at Sismolohiya. Ang PHIVOLCS ay isa ring institusyong panserbisyo sa ilalim ng DOST. Inatasan ang ahensiya na paliitin ang epekto ng sakunang dulot ng pagputok ng Bulkan, Lindol, Tsunami, at iba pang heotektonikong phenomenon.

Department of Transportation (DOTr)

Address: The Columbia Tower Brgy.Wack-Wack, Ortigas Avenue, 1555, Mandaluyong City
Website: www.dotr.gov.ph
Trunklines: 790-8300/790-8400

Sa Filipino ay tinatawag ito g Kagawaran ng Transportasyon. Ang DOTr ay ang ahensiya ng pambansang gobyerno na naatasan sa pampublikong transportasyon sa buong bansa. Nagbibigay iyo ng mga update sa lagay ng sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan, at kalupaan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)

Website: www.gov.ph
Hotlines: (02) 944-2030, (02) 944-2031

Ang CAAP ay isang ahensiya sa ilalim ng DOTr na inatasang mahpatupad ng mga patakaran ukol sa civil aviation o nagpapalipad ng mga sibikyan ng sasakyang panghimpapawid. Nagbibigay ito ng mga ulat sa operasyon at problema ukol sa biyaheng panghimpapawid, lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

Philippine Coast Guard (PCG)

Address: 139 25tg Street, Port Area, Manila 1018
Website: www.coastguard.gov.ph
Telepono: (02) 527-8482 to 89/527-3880 to 85

Ang Philippine Coast Guard o Tanod Baybayin ng Pilipinas ay isang ahensiya sa ilalim ng DOTr na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat, seguridad, at search and rescue operation na lubhang napakahalaga lalo na sa panahon ng mga sakuna at mga kalamidad. Nagbibigay ito ng mga babala sa biyaheng pandagat at mga ulat sa operasyon sa mga paaralan.

Philippine Information Agency (PIA)

Address: Philippine Information Agency Bldg. Visayas Ave., Vasra, Quezon City
Website: www.pia.gov.ph
Telepono (+632) 920-1224

Tinatawag sa Filipino bilang Ahensiyang Pang-Impormasyon ng Pilipinas. Naglalabas ang PIA ng mga update ukol sa relief and rescue efforts sa mga lugar na apektado ng natural na kalamidad. Ito rin ang ahensiyang nagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at serbisyi ng gobyerno sa mga mamayan.

National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)

Address: NGCP Building Quezon Avenue cor. BIR Rd., Dikiman, Quezon City 1100
Website: www.ngcp.ph
Whistleblower Hotlines: (02) 922-9005/0917-845-9055

Ang NGCP ang entidad na tumitiyak sa pagbabahagi ng ligtas at maasahang elektrisidad sa kapuluan ng Pilipinas. Nagbibigay ito ng mga babala at paalala ikol sa suplay ng koryente maging sa panahon ng panganib o kalamidad.

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

Address: EDSA cor. Orense St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Website: www.mmda.gov.ph
Hotline: 136 / Trunklines: 882-4154 to 74
Flood Control: (02) 882-8588/882-4151 to 77 loc. 1150

Ang MMDA ay tinatawag ding Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila. Nagbibigay ito ng sabay sa panahong ulay sa lagay ng mga kalsada sa Metro Manila at tumutulong din sa pagkontrol ng mga baha rito.

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Address: DSWD Building Constitution Hills, Batadan Complex, Quezon City 1126
Email Address: inquiry@dswd.gov.ph
Website: www.dswd.gov.ph
Hotlines: (02) 931-8101 to 07

Ang DSWD ay siya ring Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan. Ito ang ahensiyang responsabke sa paghahatid ng serbisyong panlipunan at pangangalaga ng karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Pinamumunuannito ang mga relief operation tuwing may mga kalamidad.

Department of Education (DepEd)

Address: 2/F Department of Education Building DepEd, Mercalco Avenue, Pasig City, Metro Manila
Website: www.deped.gov.ph
Hotlines: (02) 636-1663, (02) 633-1942

Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay nagbibigay rin ng update ulol sa mga anunsiyo mula sa mga lokal na gobyerno tungkol sa pagsususpinde ng klase sa iba't ibang lugar sa bansa lalo na sa panahon ng trahedya o panganib.

ANG DISIPLINA AT KOOPERASYON NG MGA MAMAMAYAN AT GOBYERNO SA PANAHON NG KALAMIDAD

Sa mga naunang paksa, natalakay na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa panig ng mga mamamayan upang maiwasan ang ilang kalamidad o kaya'y mabawasan man lang ang pinsalang dulot ng mga ito.

Iniisa-isa na ang mga panganib o man made calamities.

Bukod sa disiplina ng mga mamamayan, napakahalaga rin ng kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at mga tao sa pagharap o pagtugon sa kalamidad.

THE BIG ONE

Ang sinasabing the The Big One, na pinaghahandaan sa Pilipinas, ay ang inaasahang napakalakas na lildol na idudulot ng West Valley Fault sa silangang bahagi ng Metro Manila. Ang Fault Line ay biyak Bunga ng paggalaw ng tectonic plates ng Mundo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(PHIVOLCS), Ang the Big One ay tinatayang may magnitude na 7.2 batay sa haba ng West Valley Fault na hallos 100 kilometro ang haba.

Buong Metro Manila, bahagi ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna ay makararanas ng isang intensity-eight na lindol sa categoryang Very Destructive

At Ayon sa Metropolitan Manila Earthquake Impact Reduction Study(MMEIRS), ang ganitong lindol ay magreresulta sa pagbagsak ng 170 000 tirahan at pagkamatay ng 34 000 katao. May 114 000 ibdibidwal ang masasaktan habang 340 000 kabahayan ang bahagyang masisira.

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE