Manatiling malusog, maganda at mabuti

FOODELLY

Ang blog na ito ay naglalaman ng mga simpleng recipe na maaaring lutuin kahit sa bahay lamang. Ang ilan sa mga recipe na ito ay hindi ako ang gumawa, maaaring nakita ko lamang din ito sa internet. Sana'y inyong maunawaan, salamat at maligayang salo-salo sa inyo.

Egg Recipes


Sawa ka na ba sa paulit-ulit na luto ng itlog? Kung oo, heto ang ilang simpleng recipe na maaaring lutuin kahit na sa bahay ka lamang.

Itlog at Kamatis

SANGKAP:
-itlog
-kamatis
-sibuyas at bawang
-asin at paminta

PARAAN NG PAGLULUTO:
Una, gisahin ang sibuyas at bawang. Isunod ang kamatis at lagyan ng asin at paminta. Kapag luto na ang kamatis ay ilagay na ang itlog at haluin ito. Timplahan kung hindi pa ayon sa panlasa mo ang timpla at pagkatapos ay maaari na itong ihain.

Pinagkunan ng litrato ›

Adobong Itlog

SANGKAP:
-itlog
-sibuyas at bawang
-toyo at suka
-asin at paminta
-mantika
-tubig at asukal (optional)

PARAAN NG PAGLULUTO:
Lagain ang itlog ng 10 hanggang 12 minuto. Kapag nalaga na ito ay balatan at itabi muna. Gisahin sa mantika ang sibuyas at bawang. Sunod na ilagay ang toyo at kaunting suka. Kapag malapit nang kumulo ay maaari mo ng lagyan ng tubig(depende sa iyong nais). Lagyan ng asukal(depende din kung gusto mo), at timplahin ayon sa panlasa. Kapag kontento ka na sa lasa, ilagay na ang itlog at pakuluin ito ng ilang minuto. Pagkatapos ay maaari na itong ihain. Murang adobo sa panahon ng pandemya!

Pinagkunan ng litrato ›

Itlog at Mayo

SANGKAP:
-itlog(pinakuluan ng 10-12 minuto)
-mayonnaise
-lettuce
-tinapay

PARAAN NG PAGGAWA:
Hiwain ang itlog sa maliliit na sukat at ihalo sa mayonnaise. Sunod na lagyan ng lettuce and tinapay. Pagkatapos, ipalaman ang pinaghalong mayonnaise at itlog sa tinapay. Maaari ding initin ang tinapay para sa mas malinamnam na lasa.

Pinagkunan ng litrato ›

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE