Happy Birthday Ate!!!
Hii ate! Here's a taglish letter for you. (Taglish kasi dudugo ilong ko pag pure tagalog/english🤧)
First of all, I want to give you a flower, a specific one, so I chose this. It's an orange daisy, which represents happiness, joy, friendship, and warmth. On your birthday, I wish you to have happiness and joy in your life. I hope that you'll be able to receive the same happiness and joy you give to everyone. You already know what friendship symbolizes; it's us, the treasure that we have. As we go through life, I hope that we'll be able to grow together. I hope our friendship never fades and that it continues blooming just like flowers. Lastly, if I am to name one of your characteristics, it is warmth. You have a warm personality that attracts people and gives them comfort. It is one of your personalities that I feel so often. You are like the sun that is sharing its warmth with each and everyone.
On your birthday, I want us to remember some of our journeys together. Although may iba akong hindi na naaalala (kasalanan to ng memory ko char) but I believe na hindi man maalala ng utak natin yung iba sa mga pinagdaanan natin alam na alam naman yon ng puso natin (yun oh humugot /j). Here are some of the things we went through that I can say we are not only there for each other in good times but also in hard times.
Ps: hindi sya sunod sunod kasi nakalimutan ko na pagkakasunod sunod nya.
Color book and color pencils familiar diba? Syempre sayo ako nakikihiram nyan dati eh. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukhang maki color sayo dati pero buti ginawa ko yon kasi doon nag start lahat e. Ang natatandaan ko gaya nung sabi mo nga every time ma l late ako lagi akong mag n nap ba ewan di ko alam tagalog term sorry akin basta naka yuko ako lagi sa desk ko tas iiyak kasi na late ako HAHAHAHHAHA tapos ayon naging seatmate ata tayo tapos nakita kita na nag c color so nakisawsaw ako? Or iba basta namalayan ko nalang lagi na kitang kasama kumain sa recess 😅.
Tanda mo ba bawat recess na mag kasama tayo? Kasi ako hindi char. May one time yata or di lang one time na pumunta tayo sa canteen nung sehs tapos ikaw pa nag order nung burger steak para sakin kasi nahihiya ako yon sayo ko ata una natikman yung burger steak ng sehs eh char. Tapos may ibang recess na sa MES tayo bumibili tapos uupo tayo don sa may tapat ng hagdan sa hallway then mag k kwentuhan, may one time pa nga na nung kinuwento ko sayo na sinabi sakin ni sir jose na ako yung crush ni tobey tas nagtatago ako sayo nung recess kasi nakita natin sila pati yung pinalapit sakin ni sir si ken hays exit na dyan moment mo nga pala to😅. Pero alam mo super na t touch ako at tine treasure ko yung moments na kahit pareho tayong may hiya nag s stand up ka para sakin ikaw yung nagiging voice ko minsan ikaw yung gumagawa ng mga bagay para sakin kaya super thank youu!
At ang next subject ay cellphone. Naaalala mo non maluwag si sir jose pag dating dyan tipong pag time nya na nag c cellphone tayo sa ilalim ng desk😂. Tapos may time na hihiramin ko phone mo may time na yung akin naman ipapahiram ko sayo. Ang alam ko simula nung naging maluwag si sir sa pagdadala ng phone inintroduce mo sakin yung rp eh pero wala akong regret na nalaman ko yon kasi may tulong din syang naibigay sakin. Minsan ikaw pa yung photographer ko, tanda mo yung pumunta tayo sa simbahan? Niremake ko pa yung post na yon🤣.
Hi po at ang di nagagasgas na linya sa letter na ito "tanda mo pa" so yun na nga tanda mo yung one time pumasok ako tapos bigla akong nilagnat ng sobra? Pinaunan mo sakin yung bag mo tapos nagaalala ka talaga sakin non tipong kahit nagsusulat ka tatanungin mo ko kung ayos lang ako feel ko nga di mo ko iiwan non eh yung tipong kahit nag recess nandon ka pa rin. Thank you sa pagaalaga sakin ate, sa concern, sa lahat.
Alam mo pa yung pagtakas natin papuntang bahay nyo? di ko pinagsisisihan yon kasi kahit one time nakita ko bahay nyo nakasama kita don pero ang alam ko yung reason din non para makita ko pinsan mo na kapit bahay nyo 😓 erase erase char napaka supportive mo naman kasi. Tapos naiwan ko sa palda mo yung phone ko then nag meet tayo don sa hilera ng ministop kaso nahulog sya sa bulsa ko sa gitna ng daan akala ko mababasag na pero nagulat ako kasi binalikan mo pa sya kahit malapit na yung sasakyan. Hindj ko yon kaya, kaya nga hanga ako sayo kasi ang tapang mo eh. Alam ko ikaw ata nakasagot ng tawag ni papa non🤣.
Kung may recess moments may uwian moments din syempre at di mawawala ang 7-eleven dyan. Tanda mo yung naglalakad tayo ng malayo makabili lang ng slurpee😂 tapos minsan ililibre mo ko minsan mangangako ako sayo na next time sagot ko na HAHAHAH. May time din na bago tayo pumasok bumili muna tayo ice cream sa 7-eleven kasi may bago. Ikaw lagi nagbabayad non sa counter eh kasi nahihiya ako at once again nanaman nag stand up ka para sakin para kitang ate in a good way. May time din na tatambay tayo sa freedom park tapos uupo lang tayo doon tanda mo yung nasama tayo sa mcdo tas umuwi din agad dahil kina mama? Sinamahan mo ko pauwi kahit ayaw mo pa umuwi or pwedeng hindi ka pa muna umuwi. Parang pag in trouble ako kasama kitang sasalo nung galit or punishment para tayong iisang tao
Alam mo yung lumipat tayo ng room tapos nakapulot tayo ng 100 nung recess pinaghatian agad natin pambiling merch WAHAHHAHAHA. Ikaw din nag introduce sakin ng kpop dahil don ata sa nakasabit sa bag mo tas sa mata ko magkakamukha sila so pinakilala mo sila tapos tinanong mo sakin sinong bias ko di ko pa alam meaning non dati eh pero si jin tinuro ko at doon na nga nagsimula ang pagbili ng merch tuwing uwian. Alam mo nung dinala mo ko sa bilihan doon sa loob ng palengke parang ikaw yung hero ko tuwang tuwa ako kasi nalaman ko na yung place na pinagbibilan ng mga pinsan ko na ayaw nila sabihin sakin pero ikaw dinala mo ko doon without thinking anything bad or negative parang free ka i share sakin lahat you make me feel special ~~~ char.
Naaalala mo yung nagka crush tayo kay shaira? Tapos tuwing uwian ata bumibili tayo non ice cream then nakita natin si shaira nagpa picture tayo binigyan pa natin ice cream HAHAHAHA tanda mo to? Minsan lagi tayong nagp pic pag may chance eh. Madalas sa gilid ng school or likod tayo tumatambay. Tapos bibilangin natin natira sa baon sabay bili ng ice cream.
Nung graduation di tayo masyadong nakapag usap pero may pics tayo kasi bakit d at g start ng apelido natin😓 char pero kahit ganon masaya ako pareho tayong nagm moving up. Tapos nung nag grad pic tayo nag bigayan tayo ng pics sa isa't isa kaso lang nasira ko yung sayo nagalit nga ko non sa sarili ko kasi nasa id ko yon eh tas nahulog id ko sa tubig🥲😷.
Hindi pa sa elem nagtatapos ang moments natin nung lumipat sa sehs kahit di tayo naging makaklase sinasabayan mo pa rin ako mag recess gumawa ka ng paraan akala ko dati dahil may bago ka ng circle makakalimutan mo na ko pero hindi pala mali pala ako nagselos pa ko dati non eh 😷 alam mo may times na di kita nasasamahan mag recess non kasi kay venice ako sumasama pero sya pag ikaw naman kasama ko iba reaction nya sya kahit same way yung trato ko sainyo ni let go ako pero ikaw nag stay ka pinakilala mo pa nga ko sa circle of friends mo parang tinuturuan mo kong wag matakot sa tao alam mo ba dahil sayo sumaya school life ko hindi na sya yung iiyak tuwing ma l late matatakot mag recess kasi mag isa nagbago lahat yon kasi naging kaibigan kita.
May times na pupunta ako sa room mo tapos vice versa ang galing eh para nating sinusundo isa't isa😅. Noon pinakilala mo ko kila the pinaramdam mo na kahit nandyan na sila walang magbabago sa friendship natin. Minsan din nung highschool sabay tayo naglalakad pauwi oh diba kahit magkalayo bahay kahit di tayo classmates may way pa rin tayo. Tapos nung valentine's day bumili tayo letters para mag mukhang may nagbigay, ang mali ko lang non is pang best friend pinili ko WAHAHAHAHA nasakin pa yung letter na yon nakakatuwa nga di nawala. (Eto pa ata yung design nung letter). Tapos nag pa develop ba yung tawag don basta pina develop natin yung pic natin sa simbahan non tas now nilagay (isa sa best thing na nagawa natin) tas now nasa wallet ko sya. Dapat pala gumawa us ng album natin nung elem pero ayos lang madami pa rin naman us pic.
At hindi lang din sa f2f nagtatapos ang friendship natin umaabot tayo sa online kung saan bawat heartbreaks ko tsaka down moments nandyan ka lagi binibigay mo yung point of view mo binibigyan mo ko ng advice at kinocomfort. Marami din tayong moments online na sasamahan mo ko sa mga gp sorry kung may times na di kita nasasamahan gaya nung pag gawa ng twin acc.
Tanda mo yung binigay mo saking letter nung grade 6?.yung naka roll pa sya tas may stickers sa loob walang nag bago hanggang ngayon binibigyan mo pa rin ako (nasa wallet ko din yung letter)🙈🙉🙊
Habang sinusulat ko to nagiging sariwa sakin yung memories mas lalo ko syang na a appreciate. Parang kailan lang grade 6 lang tayo ngayon road to moving up pero ate sa lahat ng yan ikaw yung nagsilbing guide ko. Ni minsan hindi tayo nag away kasi naging totoo tayo sa isa't isa. Super thankful ako sayo lalo na sa friendship natin. Hindi ko nabanggit lahat lahat ng memories natin pero kahit sa pinaka maliliit na bagay na kasama kita mahalaga para sakin kasi we get to spend time with each other. Hindi ganon ka special tong message pero ikaw oo you're special ate for me pag sinabing other half ikaw yung definition non salamat sa friendship sa forever mag s stay (hopefully) salamat sa pag stand para sakin sa mga moments na nahihiya ako na hindi ko kaya na wala akong voice, salamat sa pag sama sakin, sa pag-aalaga, sa pag-g guide sa halos lahat ng situation ikaw yung naging guide ko, sa pagtuturo ng mga bagay na hindi ko malalaman kung wala ka, sa pagiging totoo sakin yon hindi ko mababangit lahat ng ipinagpapasalamat ko pero thankful ako at may corin na nabuhay.
Ate malapit na masasabi mo na yung line na "mga minor nga naman" parang ang bilis ng panahon pero akalain mo sa hinaba haba ng letter ko hindi pa kita nababati so eto na nga Happy Birthday ate!! Salamat kasi sa mga moments na kinakahiya ko yung sarili ko nagiging shield kita ikaw yung tumatayo para sakin. Alam ko marami tayong ma m meet na tao sa pag tanda natin pero sana yung friendship natin hindi mawala. Ang wish ko para sa birthday mo ay happiness hindi mawawala yung problems sa buhay pati lungkot pero sana sa mga panahon na yon gaya ng pag trato mo sakin mag stand up ka para sa sarili mo sana maging matapang ka at sana makita mo yung positive at good side ng mga bagay kasi kahit parang wala believe me laging meron yan kailangan mo lang ma realize. Don't get me wrong doon sa sana mag stand up ka para sa sarili mo sinabi ko yon kasi alam ko hindi ako laging nandyan for you may chances na wala ako na ma l late ako pero nandito ako hindi man lagi pero nandito ako para sayo ate hindi man kita ma i treat ng kapareho ng pag treat mo sakin pero super special mo na tao para sakin na hindi ka na nalalayo sa pamilya ko.
Sana madagdagan pa yung memories natin, sana pareho tayong maging successful sa buhay at sana matupad natin yung dreams natin individually at yung dreams natin as best friends ate ikaw yung taong caring, totoo, laging nandyan, admirable, brave, affectionate, appreciative, at marami pang iba (di ko na alam ibang terms or dj ko na mahanap yung right words😭) pero ate yung personality mo para syang rainbow nag s shine i mean wala kang makikitang negative side cheerful kung baga. Happiness and good health yung wish ko for your birthday sana ma enjoy mo yung araw na to ate maging masaya ka sana ata sana walang mangyaring wala sa plano na magpapa lungkot sayo once again Happy, Happy Birthday!