Ang pag aaral na ito ay isinagawa na naglalayon upang ipakita at ipagkumpara ang nasabing literatura ng nasabing dalawang bansa na Pilipinas at China. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng komparatibong analisis, upang makalakap ng mga datos at impormasyon sa nasabing dalawang bansa. Naglalayon din ito na tumalakay sa kasaysayan ng may akda at bigyang kahulugan ang napiling akda na tinalakay naming mga mananaliksik. Layon din ng pagaaral na ito na bigyang sagot ang mga suliranin na sumasailalim sa nasabing bansa, halimbawa nalang ng kultura at paghahambing nito sa Pilipinas at China.
Ang natuklasan naming mananaliksik habang nangangalap ng impormasyon tungkol sa literatura ng China, ay ang kahalagahan ng balanseng pagiisip o mas kilala bilang Yin at Yang. Ang Yin at Yang ay tumatalakay sa balangkas na pagiisip na naguugnay sa tradisyon ng pilosopiya ng China. Pinapahayag rin ng Yin at Yang ang balanseng pamumuhay at tradisyon ng mga taga China. Halimbawa nalang nito ay ang istorya ng kasal nila Rose at Ted na kung saan inihalintulad ni Rose na katulad sila ng dalawang bahagi ng Yin at Yang. Sa tradisyon ng China, ang Yin at Yang ay isa sa pinakamahalagang paniniwala na kanilang isinasaalang alang sa pamumuhay at tradisyon.
Ang Joy Luck Club ay isang nobela na sulat ni Amy Tan, patungkol ito sa apat na matatandang Intsik na nagtitipon minsan sa isang linggo upang maglaro ng Mahjong at ilahad ang paghahambing ng mga kwento ng kanilang mga pamilya at mga apo. Tinawag nila ang kanilang grupo na Joy Luck Club kung saan binubuo ng apat na matatandang imigranteng Intsik na nasa San Francisco. Pinapakita sa nobela ang kultura ng China na kung saan, kahit na sila ay nasa ibang bansa, nadadala parin nila ang kultura at tradisyon na kinagisnan sa China.
Pinapakita din sa nobela ang tradisyon ng China na hindi pagtalikod sa nakaraan at pagpapasa ng kwento sa kanilang mga anak sa hirap na dinanas ng kanilang mga magulang noong nakaraan. Katulad nalang sa tradisyon ng pilipinas, hindi nalilimutan ng ating mga nakatatanda ang paglalahad ng naranasan nila noong kanilang mga panahon. Layunin ng tradisyon na ito ang hindi pagtalikod sa nakaraan na kanilang kinagisnan at ang mga aral tungkol dito. Hindi rin nawawala sa tradisyon ng China at Pilipinas at pagbibigay payo mula sa mga nakatatanda, sa dalawang bansa na nasabi, mahalaga ang pagsaalang alang sa mga payo ng mga nakatatanda sapagkat mayroon tayong paniniwala na mas maraming pinagdaanan na ang mga nakatatanda kaya mararapat natin na ito ay sundin at unahin.
------------------------------
TALASANGGUNIAN :
Wikipedia contributors. (2021, November 20). The Joy Luck Club (novel). Wikipedia. https://en.m.wikipedia.org/wiki/The_Joy_Luck_Club_(novel)?fbclid=IwAR0DGqux8tE8uYoWggMCZoGg8HcSdhn-IzZM9rXQexsT_PaaLWsT_7iffSU
The Joy Luck CLub. (n.d.). Spark Notes. https://www.sparknotes.com/lit/joyluck/facts/?fbclid=IwAR3_K9xV-Mp5dpMnEN-wRiO6M8vAlqMKXYKsZyJNf8IlufO5jTHA-2E80yQ
Chinese Values and Traditions In the Novel: The Joy Luck Club. (07/29/17b). Bartleby Research. Published.
Chinese Culture vs. American Culture in Amy Tan’s The Joy Luck Club. (07/29/17). The Joy Luck Club. Published. https://www.bartleby.com/essay/Chinese-Culture-vs-American-Culture-in-Amy-P3CMSEZYVC?fbclid=IwAR19J03vesWoJAUyOVPpoxiEY71-oAVBB_lGTvMb60Q_JgZL-PzorYD7noU
Tan, A. (n.d.). The Joy Luck Club. LitCharts. https://www.litcharts.com/lit/the-joy-luck-club/themes/storytelling-and-tradition?fbclid=IwAR3krIPBlmo9FVSyio2padmaAQdPmyujs7kZwG0mD5hwZvoZpE0xjrn8bp0