HUKBO NI SANTOS

HUKBO Binuo ang Hukbong to noong (February 25,2020). Nabasbasan ni Josh noong (February 28,2020).

Ang salitang "Hukbo" ay kadalasan nyong nariring sa isang militar,pwersa,bansa etc. Pero itong Hukbong to ay kinuha ko sa isang game. Mahilig maglaro si Josh sa mga Warzone, Alam nyo ba yung Call of Duty? Sa game nayon ay may kanya kanyang Hukbo. So naisip ko gawan si Josh ng totoong Hukbo katulad sa game nayon at eto yon. Binuo namin tong Hukbo ni Santos. Para magpakita ng supporta sa kanya. Layunin nito ang protektahan si Josh. Laban nya. Laban natin.

Trishia Prado ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰²⁴

Hi! hello! hukboerrss! lapit na anniv naten ayon sobrang thankful akoo na nakasali ako sa hukbo 💗 Thank u kay unique na nagmyday ng hukbo kaya aq nakasali! HAHAHA Thank u hukbo! all of you! Thank you for always making me feel loved! ( wow taray ) Thank you for being my friend and also a family to me:D Gusto ko lang magthank you ng magthank you. Tysm admins for holding tight sa hukbo especially franzx kundi dahil sa inyoo wala na tong hukbo, Thank u din for the members that are still here until now, today, every single one of you Thankyou for being strong, Ayon ang haba na HAHAHAH Thank you sm Hukbo for a year of friendship! More years to come! HAHA I love youu all! 💗 ~ Trishia

Adina Alvarez ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰

Sa HUKBO, marami na tayong napagdaanan sa nakalipas na buwan and I'm happy na nakilala ko kayo, magkasama sa pagmamahal sa SB19 at syempre kay retsam Cullen. stay strong lang Tayo. kahit di ako active, di ko kayo binitawan. Pamilya ko na kayo. Mahal ko kayo girls 🥺💖 ~ Adina

Niña Marie Ayag ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

It's been a while Hukbo but Happy 1st Anniversary sa'tin!! 🎉🎊 Sa loob ng isang taon marami na tayong pinagdaanan, pero di tayo sumuko! I know, especially sa mga gurang 😂, we'll never forget the hardships that we've been through together. I hope magtagal pa tayooo. Pero guys wag nating kalimutan yung mga taong umalis okay? They have been part of Hukbo, nakasama at nakausap na natin pero kahit umalis sila, wag nating kalimutan yung mga memories natin with them. Oo masakit kasi nasa past tas iniwan nila tayo pero they have to grow on their own by letting us behind. Also us na tayong mga iniwan, we have to grow, we have to learn from those experiences and we should learn how to interpret every situation we got in. Wag tayong magtanim nang galit kasi mabigat sa dibdib. I just remembered this line which I don't know if sakto ba pero ito yung pagkakaintindi ko...It's been a while Hukbo but Happy 1st Anniversary sa'tin!! 🎉🎊 Sa loob ng isang taon marami na tayong pinagdaanan, pero di tayo sumuko! I know, especially sa mga gurang 😂, we'll never forget the hardships that we've been through together. I hope magtagal pa tayooo. Pero guys wag nating kalimutan yung mga taong umalis okay? They have been part of Hukbo, nakasama at nakausap na natin pero kahit umalis sila, wag nating kalimutan yung mga memories natin with them. Oo masakit kasi nasa past tas iniwan nila tayo pero they have to grow on their own by letting us behind. Also us na tayong mga iniwan, we have to grow, we have to learn from those experiences and we should learn how to interpret every situation we got in. Wag tayong magtanim nang galit kasi mabigat sa. Your heart is like a big piece of land. Don't let it alone with the weeds that almost scattered in your land. You need to pull it out and start planting flowers or anything that could turn your land into a paradise. These also can purify your mind that can help you in thinking things clearly. Di natin maiwasang magalit though pero I hope na matuto tayong magbigay nga kapatawaran, di man ngayon baka sa future paghanda ka na. Just don't close the door for forgiving others. Sa mga bago, di na tayo masyadong nagkakilala or nagkausap pero don't feel bad about it. Lagi nyong tatandaan na part kayo nang Hukbo so part na din kayo sa family namin. So ayun ang haba na pala hahahahaha mahal ko kayoooo at magpakatatag tayooo.. Let's continue doing what this group is all about. Let's stan harder! See you sa Ikalawang Yugto 💖 - Niña

Aya Ramilo ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰⁰⁷

Happyyyy Anniv Hukboeeeers!! Naka one year na uuuus omgggg!! Nakakatuwa kasi umabot tayo ng one yeaaaar, syempre more years to come anooo. Thank you kasi kahit inactive ako, kapag lumalapag ako, pinapansin niyo pa rin ako. Hindi niyo pinapafeel na op ako ganoon eme eme wjsjsjs. Sorry kasi inactive ako, hindi ko na naging close yung iba. Soonnnnn, ig? Sa mga admins naming magaganda diyaaan aheeem pakain HWJSHAHHAHAHAHA jk. Thank you po sa pag gabay samin, sa pag bantay. Kay ate Pwans, yahoooo thank you ate Pwans kasi kahit ikaw naiwan, hindi ka sumuko samin. Alam namin na may pinagdadaanan ka, medj busy ka pero nagagawa mo kaming ientertainnn. Kay ate Eunice, hihi tama po ba?? ate Eunice hindi po kita masyadong close pero thank you po kasi hinehelp mo si ate Pwans, thank you po sa patuloy na pag entertain saminnn. Sana po makaclose kitaaa kapaf bumalik akoo. Kay ate Uniqueeee, uhmm ate Unique imissyou naaa. Balik ka na po. Hindi mabubuo yung Hukbo kung wala kaaa:(( Sa mga mem, thank you kasi lahat kayo approachable pa rin kahit inactive na ako, pinapafeel niyo na miyembro pa rin ako ng Hukbo. Basta, alam niyo na yon. Happyyyyy Annivvvvv, more anniv to comeee!! ~ Aya

Chissa ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰¹¹

Mahal ko kayong lahat ingat kayo lagi hope to see you all soon! 😘 ~ Chissa

Glydellyn Omemaga ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰¹⁹

Hello Hukbo!! Ang dami nating pinagdaanan, hindi ko sukat akalain na tayo'y magtatagal, Happy Anniversary~ ,Mahal ko kayo, Keep Fighting and We got each others back. ~ Glyd

Johanna Cyrille Oftana ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰

Hi hukbo happy anniversary sorry Kung Hindi na ako active po ngayon dami po Kasi gagawin kaya sorry po hehe. Wish ko Sana mag tagal pa Ang hukbo and mag meet po tayong lahat at sabay sabay manood nang performance nang pinaka mamahal nating SB19 Yun lang po hehe💙 ~ Johanna

John Marie Guzman ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰

Message ko lang miss ko na kayo lahat sana mag tagal pa tayo at maging mas matatag,at sana darating ang panahon na okay na ang lahat, magkakasama tayong pupunta sa mga shows ng esbi at tsaka con🥰😘 ~ John Marie

Julia Morales ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰³⁸

gurangers na pala us ng hukbo😭message ko ahm thank you for staying and always remember that whenever that day comes,,,'till we meet again.For now,I just wanted to say that happy anniversarry to my first official josh's fanbase.More celebrations to come🥺 ~ Julia

Manell Felismino Kim ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰¹⁵

Hai sa HNS eto na yata yung pinaka malakas na fanbase ni Josh for me you know why? sobrang dameng challenging ang dinanas ng HNS from the start pero still nakatayo parin to 😍 Manang mana sa iniidolo na si Josh Cullen Santos hindi nasuko sa kahit anong problema 😍 Happy Anniversary HNS mahal na mahal ko kayo 😘💙 maging matatag pa tayo lalo💙 see you soon all 😘 ~ Manell

Mary Anne Catulos ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰³⁹

Happy 1st anniversary sa atin hukbo I love you all and thank you dahil nag tagal tayo even when their up and down natagumpay natin Lahat yun, for the coming year we will make more memories I love you all 😘 -Mary Anne Catulos

Niks Santiago ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰²⁷

Hi, Hukbo it's Been a year since since nagkakilala tayo.. After this pandemic I hope na Magkita kita tayo and Miss ko kayo ng Sobra!! Yun lang.. I LOVE YOU ALL🤧 From your Gurang and SS girl, Anniks💖

Rovelyn Morales ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰²⁰

HI HUKBO! miss ko na kayo! lalo na yung kapwa kong mga gurang diyan. madami na tayong napagdaanan. napasaya niyo ako at napaiyak. may mga umalis, yung mga taong minsan nating minahal. gusto kong bumalik sa nakaraan kung gaano tayo ka saya pero masaya din naman ako ngayon. na mimiss ko lang kung paano tayo, nung paanong buo pa tayo nung mga panahong wala pang module. may umalis pero may dumating. HUKBO ang unang tumanggap sa kung sino at ano ako. isa kayo sa naging dahilan kaya lumalaban pa rin ako para sa'tin. Maraming salamat sa'yo Franz sa pananatili at salamat na din kay ate Yunik. Mahal ko kayong lahat! maikli lang daw e pero hindi ko mapigilan daliri ko. ~ Rovelyn

Zhena Pearl Daria ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

HAHAHAAHAHA natawa ko dun sa guran 🤣 anyways... to Hukbo Happy 1 year stay strong everyone magiging okay din ang lahat 😄 Keep on supporting SB19 💙 Fighting 👌💙 ~Zhena

Samantha ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰²¹

masasabi ko lang na ano ang daming pinagdaan ng hukbo dumating tayo sa point na nag ka trust issue Tayo hanggang dumating sa point na muntikan na mabuwag yung HUKBO pero etooo tignannn niyo mag 1year na agad tayo 🥺parang kelan lang nag comment lang ako sa post ni ate yunik na sasali ako sa hukbo parang kelan lang nagpapakilala pa lang tayo isa isa sa gc🤧ang bilis 1year na agad,1year na yung sinabi ni josh na maglinis tayo ng bahay dahil pupunta sya sa Hukbo tas 1 year na tayong na asa don HAHAHAHA josh natin paasa 😀so yon nga Thankful ako napasali ako sa Hukbo at Thankful ako at nakilala ko kayo ❤️sorry if hindi na ko active pero promisecbabawiw ako.Mahal na Mahal ko kayo Hukbo HAPPY 1ST ANNIVERSARY STAY STRONG SATIN❤️ ~ Samantha

Zhyra Mae Sarmiento ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰³²

HUKBO, hi mga ka-hukbo, hais namiss q kayo lahat noe anniv. Nanatin, namiss ko kaingayan niyo yung walang humpay na ingay, mabibilis magtype ganorn, staystrong sa'tin gais mace you, mga pashneya!! ~Zhyra

Piah Bianca Gumawa ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸 ⁰³⁷

HI HUKBOOOO!!!!!! IT'S ME THE ONE AND ONLY PIAH BIANCA THE MOST LOYAL AMONG THE FAM🥳 Balita ko anniversary niyo ah?happy anniv🥲. So ayun nga, isang taon na tayooo🥺sa Dami ng pinagdaanan natin strong pa din, dun sa mga nawala/umalis happy anniversary din sakanila bilang isang Hukbo. Sa isang taon natin actually ako 10 months lang kasi second batch ako, pero sa 10 months na yun na witnessed ko ang marami,yung pagiging iisa natin,yung paghihirap ni ate Franz, yung pagkawala ni ate Yunik, yung pag dating ni ate Eunice, LAHAT ng admin na nakitaan ko ng hirap,saludo ako sainyo🥰. No more drama na,sana di na ako mahopia noe🥲. Sana maraming taon pa pag samahan natin!!! Sana makita / magkita na tayo soon!!! Mahal na Mahal ko kayo. Kuys Khrod!! Wassup thank you sa pag sama mo sa amin. Lolo ka nga talaga ng Hukbo😭, salamat sa pakikisama mo samin,hope to see you soon kuys! Mahal ka namin 🥳. Josh, wala lang Mahal Kita alam mo bang ako pinaka loyal sa LAHAT?hehe hukbo mag papatunay niyan. Happy Anniversary sa HUKBO mo Mahal ka namin. 𝑷𝒊𝒂𝒉

Avhee Amparo ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰²⁵

HUKBOOOO!!! HAPPY 1ST ANNIVERSARY!! Grabe 1 year naa tayo, Stay Stronggg. Alam kong di me masyadong nakakapagchat sa gc pero shh gais ako lang toh JOKE LANG HAHAHAHAHA. Sorry. Pero sobrang saya ko kasi nakilala ko kayo, sobrang saya kodin dahil naging parte ako ng pamilyang toh. Alam kong andaming pinagdaan ng pamilyang i2, pero strong padin, road to forever na toh HAHAHAHAHA. More happiness and memories ang magawa natin. And syempre Always Support our Commander Josh (nux) and SB19. Sana soon!!! Ma-meet kona kayooo! tapos attend tayo events nila hoho. Ayon, I miss u all! HAPPY 1ST ANNIVERSARY HUKBO. LAHAM KO KAYO! mwah --Avhee

Christine Mirando ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰¹²

Hello hukboers, before anything else i just want to greet everyone HAPPY 1st ANNIVERSARY to us guys!♡ nuks english HAHA pasensya na pag may wrong grahams pero ayun seryoso na nga. Bilang isa sa mga gurang na member sobrang happy ako kase umabot tayo sa kung nasaan man tayo ngayon sa dami ng pinagdaanan natin. Saksi ako sa lahat ng mga pinagdaanan ng fanbase na to. Sobrang swerte ako kase may mga nakilala akong tulad niyo hindi ko akalain na tatagal ako ng 1 year sa inyo. Seeyou soon guys! sana makaclose ko yung mga ibang member lalo na yung mga bago. Mahal na mahal ko kayo hukboers. Thankyou sa mga member na nag stay and especially sa admins. Miss ko na kayo. -HUKBO_CHRISTINE

Angel Sophia Choa Sy ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰⁰³

Hai hukbo!! Uwaaa uhm wala ako masabi so yah akalain nyo yun? tumagal tayo woohooo 1 year na us!! Sa mga old mem na katulad ko layk unang una pa gusto ko kang sabihin thank you kase ang tatag nyo nagstay kayo ng apakatagal. Sa second batch naman thank you rin kase nagstay din kayo 1st motmot ata kayo nadagdag sa amin? Nalimutan ko na sorry basta ayun babawi pa kami sa prank nyo hmp. Ayun salamat din kase nagstay kayo kahit mahirap. Sa lahat naman thank you ng sobra kase nagpakatatag kayo at nagstay kahit nasa kalagitnaan ng problema. Sa mga bago sorry di ako masyado nakakaoaginteract. Para sa lahat huhu sorry talaga tinago ko yung kay Yunik napagutusan lang po. Ayun more years to come gaisss!! Pakatatag lang tayo!!! Sa mga admins namin specially ate Franz salamat di mo kami sinukuan huhu. Sa isang admin namin sorry di ko alam name nya huhu IA kase ako ayun thank you po kase tinulungan mo po si ate Franz sa paghandle samin! Ayun kay Yunik hoy mag active ka na chos HAHAHAHAHAHAH basta ayun. Di ko na alam sasabihin ko basta andito lang ako lagi para sa inyo! IA man pero open lagi inbox ko. Chat lang kayo kahit chika yan HAHAHAHAHAH ayun lang naman. Mahal na mahal ko kayo stay strong sa atin. Sa dinami dami ng problema na napagdaanan natin malalagpasan natin yung paparating pa lang for sure. Hukbo toh eh matatag HAHAHAHAHAH ayun lang ang dami kong satsat I love you guys!! Nakakamiss na maging tindahan nyo jowk HAHAHAHAHAHA ~ Angel

Aiyu Facundo ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Waddup, hukbo!!! Happy First Anniversary to ya'll. Sorry if sobra-sobrang inactive ko. Pero grabeeee, the fact na umabot ang hukbo ng one year. Sobrang tatag na non. Stay stronggg and tuloy lang pag marcha papunta sa world domination!!! ~Aiyu

Rochelle Ann Dabucol ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰¹⁹

Hi hukbo 😊 its me hukbo no.19 💙 Kumusta? Kilala niyo pa ako? Sorry for being IA marami lang kailangan ayusin. Happy Anniversary mga unang kong minahal sa mundo ng fandom na to 💖. Lagi kayong magppray at masaya kahit mahirap na ha. Nandito lang ako nagppray para sa successful niyong lahat 😘😇. Stay safe. Wag niyong hahayaan na daigin kayo ng lungkot ha. Thankyou sa love na binigay niyo sakin noon nung active pa ako hahaha sa mga understandings kasi sakitin ako. Thankyou kasi isa kayo sa mga dahilan kung bakit lumalaban pa ako ngayon. Keep supporting and love our boss syempre ang SB19. Meet up soon? hmmm especially sa mga taga etivac jan ehem hahaha. HAPPY ANNIVERSARY HUKBO. MAHAL NA MAHAL KO KAYO😘💖. - Rochelle

Kyla Fulgencio ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Ayy hello poo cge po mesaage ko po sa hukbo ay thank you po pala sa pagtanggap sakin at kahit di ko po kayo masyado close alam ko po na sobrang bait nyo po.sorry po kung naging inactive po ako pero kahit inactive po ako sana welcome parin po ako sa hukbo hehe.Sana po maging close ko na po kayo at mag kita kita po tayo.ingat po kayo parati Happy anniversary Hukbo! - Kyla

Janella ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Hi hukbo! Thank yo you for accepting me and sa friendship na nabuo dito, I might be inactive but babawi ako sa inyo for sure. Happy anniversary mga maharr! Let's keep on support boss and SB19 hanggang sa huli. I love you all! - Janella

Sophie Santos ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Hello Hukbo!! Happy Anniversary!! Kilala niyo pa ba ako?? HAHAHH si sophie,, maybe hindi na. Pasensya na kung inactive na ako and hindi na ako nagmemessage sa gc kahit hindi naman talaga ako masyado nagkikipagcommunicate dahil mahiyain ako. I just wanna say parin na I appreciate you all. I will still be in hukbo and hindi ko pagdedecide na umalis. We're staying strong, okay?? I'm sorry dahil nadissapoint ko kayo in some point. I hope na kahit nadissapoint ko kayo ay tanggapin niyo parin ako in open arms. Alam ko na hindi ako palakausap na tao pero mahal na mahal ko kayooo!! Alam niyo ba un HAHAH maybe makalimutan niyo man ako,,, silip silip parin naman ako sa gc hehe. Pakakatag kayo lahat and If may mga pinagdadaanan kayo, open dms ako, go lang. Rant ka lang I'll listen. I may look like na hindi maasahan pero maasahan ako noh! HHAHAH <33 Kailangan matatag para kay Josh haaa. I love you guys and syempre hindi ko parin nakakalimutan ung mga memories,, nakastuck 'to sa heart ko ♡. Happy Anniversary sa Hukbo ni Josh! Mahal ko kayo. :)_ <33 -sophie,

Kristina Cyril ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Happy 1st Anniversary Hukbo! madami dami naden tayong napagdaanan at alam kong kakayanin pa natin sa mga susunod. Iloveyouall let's cherish our relationships that started because of our talented man Stay strong y'all - Kristina

Sharamae Dugang ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

hai hukbooo! ^o^ happeh 1st anniversary. first of all sorry huehue di na ako nakakalapag sa gc. hindi ko expected na makakasali ako sa inyo pero salamaaaat kasi nakilala ko kayong lahat dahil kay josh hurhur. \(○^ω^○)/sana magtagal us waaaaaaaah try ko den maglapag sa gc pag may taym na me huhi. iloveyouuallmwaaa, happeh 1st anniv. \-ㅂ-)/ ♡♡♡ - Sharamae

JM Pinca ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Hi Hukbo! Happy 1st anniversary. Wala man ako noong nabuo 'tong grupo na 'to, I'll promise that I will stay here until I can. Thank you sa memories at sa pagwelcome nyo sakin ng buong buo. Sorry for being inactive. Di man ako ganun ka-active (bc of adulting), lagi naman akong sumisilip sa gc to catch up sa mga pinag-uusapan nyo. Thank you for supporting and loving SB19 especially Josh wholeheartedly, sana di kayo magsawa. Kung mapapagod, pahinga lang tas balik agad. Thank you for treating me as your ate or younger sister. Yung iba sa inyo, nakakachikkahan ko to the point na nalalabasan ko ng sama ng loob. Thank you for that, I really appreciate it. Hope to see you all soon. Stay strong, Hukbo. Lalo na kay Pwans. Hehe. I love you all. God bless. - JM

Ceia Mae Ventura ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Happy Anniv. HUKBO! More yrs to come. Sorry sobrang ia ko sa gc at konti lng natatandaan ko sainyo but stay strong to us. Kahit tamang seenerist lng ako di nyo ko tinatangal hahaha. Lab u alls. ✨ anong handa nyo jan? Hahaha. See you when i see you 🤗 -cei

Paola Cruz De Dios ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸

Hello my beloved hukbo!! Happy anniv sa atin! Sana magkita kita na tayo soon lalo na sa mga event :D Sorry kung IA man ako pero mahal na mahal ko kayo. Magiingat kayo kung nasaan man kayo! Sama sama rin tayo kasama ang SB19 hanggang dulo <3 - Paola

Liezel Ignacio ⚔️• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰⁴⁸

Happy 1st Anniversary sa atin Hukbo ni Santos. Eto yung first fanbase na napuntahan ko simula ng naging maingay ako as an A'tin lalo na sa twitter. Natatandaan ko pa nun nakikita ko lang kayo sa menpa na nag rereply kay Josh tapos Ken biased pa ako nun hahaha pero parang may nagsasabi sakin na sumali ako dito. Si Samantha pa una kong nachat nun kaya ako napasali dito. Salamat 💖! Grabe din experience ko dito roller coaster ride. Pero kahit ano pa man yun love ko kayong lahat as in lahat pati mga umalis at naalis. Marami ako natutunan sa inyo kahit ako ang ate haha. Yung mga na experience natin, it will be a good memories para satin. Ang mahalaga we kahit nagkasakitan tayo we gain lesson na ma iisip natin hangang huli. Sana magkita kita na tayo soon no? Pag may concert ako mismo mag iisponsor at mag dedesign ng banner hahahha char. Sana maka close ko pa kayo lahat. 🙏💖Salamat sa pagturing sakin as ate kahit minsan di ko yun magampanan because of limitations and syempre respect na din sa mga mahal nating Admin hahahaha. Salamat sa paghanga sa mga edits ko na di ko alam kung kahanga hanga ba talaga. Alam ko malayo pa mararating natin kasama ang SB19. 💖 Bilib ako sa mga admin kasi ang strong nyo. Pero mas strong kaming mga member na pinili mag stay Hahahhahahaha charot. And kay Josh, salamat sa pagiging inspirasyon at motivation ko pati sa SB19. Kayo yung isa sa dahilan kung bakit di ako sumusuko. Yung mental health ko unti unting nasisira pero kayo yung unti unting umaayos. I am healing with your words, with your songs, and with your actions. Grabe pagpapahalaga nyo samin. Sana lagi nyo din alagaan sarili nyo. Salamat! Sobrang salamat! 😢🙂 ~Liezel

Yunik 🛡• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸⁰⁰¹

Kamusta? Ayos ka lang? Sana okay kana. Mga katagang bumungad sakin nang buksan ko ang account na kinatatakutan kong buksan. Mga mensahe na pagaalala ang bumungad sakin. Mga mensaheng pagkahaba haba na walang sawa kong binasa. Mga mensaheng hindi ko inaakala na aking matatanggap pagtapos nang delubyong naganap. Mga mensaheng nanggaling sa ilang taong nananitili at naghintay sa aking pagkawala. Ang aking sagot ay. Hindi. Hindi ako okay. Hindi. Hindi ako ayos. Sana. Sana nga maging okay ako. Pinipilit na sabing ayos lang. Kahit na hindi naman ito ang aking nararamdaman. Pinipilit na gawing okay kahit na hindi naman. Mahirap. Mahirap ipagpilitan. Ako ay humihingi ng tawad sa aking nagawang kasalanan. Hindi man makamit ang kapatawaran ay hindi kona ipagipilitan. Gusto ko lang ilabas ang aking naranasan at naramdaman. Isang gabi ako ay nakagawa ng kasalanan. Isang kasalanan na sisira sa aking nagawang pagkakaibigan. Isang kasalanan na bumago ng lahat. Isang kasalanan na nagdala sakin at sa mga malapit ko sa buhay sa isang lugar na kawalan. Ako'y naligaw. Natakot. Tinakbuhan ang lugar na ito. Iniwan ang mga taong aking kinatakutan. Sinara ang mga mapagkokontakan. Tinago ang sarili dahil sa takot na nararamdaman. Araw gabi lagi iniisip ang aking mga naiwan. Pauliulit na sisishin ang sarili sa pangyayaring naganap. Sistema ko nagbago. Kalusugan ko'y nadamay. Hospital ang aking hinatungan. Pamilya ko'y nagaalala. Sinisi ulit ang sarili sa pangyayaring naganap. Isa sa mga mahal ko sa buhay ay nawala. Kinuha ng ating ama. Problema'y nagkapatong patong na. Hanggang sa nakalimutan na ang mga naiwan sa kawalan. Patuloy na dumadaloy ang takot na aking nararamdaman na nawa'y aking malagpasan. Salamat sa mga alaalang inyong ibinigay. Patuloy ko itong pahahalagahan. Kamusta kayo? Congrats naka isang taon kayo. Happy Anniversary! Salamat sa lahat. Sa samahan na nabuo. Sa mga bonding, memories,kulitan,pranks, celebrations, etc na kasama kayo. Salamat. Salamat sa inyo. Thankful ako na nakilala ko kayo. Alagaan nyo sarili nyo. Magiingat kayo lagi. Keep safe. Mahal ko kayo. ~ Yunik

Eunice Jade Javillo 🛡• 𝓱𝓾𝓴𝓫𝓸¹¹⁴

Hi Hukbo, Una sa lahat HAPPY ISANG TAON!!! tbh, di dapat ako nakikicelebrate HAHAHAHAHA recently lang naman ako naging part ng Hukbo and little did I know na magiging isa ako sa mga admin nito. At first, gusto ko lang naman talaga tumulong sa mga ganap noon sa birthday ni Josh last year but Franz permanently made me one of the admin of this fanbase. Sure, Wala ako dito nung simula but I'll do my best to be part of this family until the end. Sa totoo lang, ang dami kong plano para sa Hukbo, ang daming tumatakbo sa isip ko na 'gawin to' 'gawin yan' ganon pero mahirap pala talaga. Mahirap maging admin lalo na kung student ka lang din. Ang dami kong plano kasi diba parang nabubulok na Hukbo, char HAHAHAHAHAHA pero bilib ako sa hukbo fam lalo na sa patuloy na binubuhay yung GC, sa mga patuloy na nagpaparamdam. Kasi para sakin kayo yung naniniwala sa Hukbo, sa mga mararating pa ng fanbase na'to. Nahihiya nga ako kasi ang dami niyo ding suggestions na gusto para sa Hukbo and minsan, I pretend na lang na di ko nabasa, tamang "seen" na lang HAHAHAHAHA pero nababasa at tinetake ko lahat yon kasi as an admin, I know responsibility ko yon. Kaya Sana, patuloy kayong maniwala sa Hukbo, all in all ginagawa naman natin to' dahil sa pagmamahal natin kay Josh at sa SB19. Nakaabot na tayo ng isang taon oh? Kayang kaya pa natin harapin ang mga susunod na bukas. Naniniwala kasi ako na "Love" yung nagbubuklod sa pamilyang Hukbo e HAHAHAHHAA. Mahal ko kayo, see you soonest!!! HAPPY ANNIVERSARY MGA TAKSIL 🤧💛 ~ Eunice

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE