My Love
mahal kita, ngayon, bukas, at palagi.
hello love, hindi ko masabi ng harapan sayo yung mga gusto kong sabihin, duwag ako, Oo. Gusto kong lumuhod sa harap mo at mag sorry sa lahat ng ginawa ko sayo. Sa mga times na pinaiyak kita, nasaktan, at marami pang iba. Pero thankful ako na natawag kitang akin, kahit sa maikling panahon lang.
advance happy 7th monthsarry, my love!
gusto ko makahanap ka ng mas better sakin, yung it-treat ka, yung hindi ka papaiyakin, iu-update ka, at hindi ka sasaktan. kasi yun yung deserve mo.
gusto ko makita kitang masaya, wag mong hayaang abusuhin ka nila. mhmkay? kumain ka lang nang kumain pero wag mong ipag-mix dahil sasakit talaga yung tummy mo. wag din maging masungit palagi, sayang maman ganda ng araw, lalo na ikaw.
sa dami nating pinag-samahan, ang hirap mo kalimutan, ang sakit, ang sakit sakit. Life was just unfair. But if there is any chance, na ma-meet kita sa next life, I'll give you the better version of me. The best version of me. Wala na sigurong way para mapabalik kita sa feeling ko, pero gusto ko lang sabihin sayo lahat ng thoughts ko, bago ako tuluyang umalis. kaya kinukulit kita this past few days kasi gusto pa kitang makausap, gusto kitang ma-hug sa mga oras na yon.
and pag sad ka, alam ko namang brave ka pero kapag sad ka wag ka mahiyang mag express ng nararamdaman mo sa ibang tao, okay? hindi lahat ij-judge ka, kailangan din natin ng makakapitan sometimes, and I know you'll heal easily, I hope you'll get over me faster as you could. Masaya ako sa mga araw na kausap, kasama pa kita. hindi yon peke, walang peke sa naramdaman ko. dahil lahat ng yon, PURE.
naalala ko pa yung unang pag uusap natin, at hinding hindi ko makakalimutan. Sobrang ganda non, doon kita sinimulang mahalin.
mag-iingat ka mahal ko, palagi. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At kailan man ay hindi naging peke ang naramdaman kong iyon. Naging masaya ako ng sobra, tumitibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing nandiyan ka na. Pinapawi mo lahat ng pagod na nakuha ko sa isang buong araw, maraming salamat sa pag-intindi saakin sa abot ng iyong makakaya, mahal na mahal kita hanggang sa muli aking mahal : )
Ethan Balmes