Ate Ame

To my best hooman in the world,

Happy 19th Birthday!

Sa lahat siguro ng message ko sayo, ito yung pinaka-kakaiba. Tuwing birthday mo, yung letter ko sayo, ginagawa ko na sya the day before ng birthday mo. Ngayon, gusto kong gumawa ng letter after ng birthay celebration mo. Mostly kasi yung mga past birthday letters ko sayo ay tungkol sa kung gaano ako ka-thank ful na meron akong kagaya mo. Gusto ko ngayon mas ma-appreciate mo yung araw mo at mas marealize kung gaano ka naging katatag bilang isang bida sa buhay mo.

Sobrang sayo ko, kasi isa ako sa mga nakasama mo sa pinakamahalagang milestone sa buhay mo. Hindi man ganun ka-exciting pakinggan kapag birthday mo kumpara noon, gusto kong iparamdam na kahit sa simpleng paraan naging masaya ka sa araw na ito. Ang saya-saya natin kaninang 12am habang kinakantahan ka namin ng Happy Birthday song. Madami man ang balakid na dumating pero hindi yun hadlang para tumbasan lahat ng masayang memories na nagawa natin ngayong araw. Oo, pagod tayong lahat, pero isa yung ebidensya na nagamit natin ng lubos ang lakas na meron tayo at sobrang worth it promise.

Alam kong sobrang dami mong problemang winakasan noon at dinadala ngayon. Alam mo, sobrang proud ako sayo dahil hindi ka sumuko at umabot ka sa araw na ito. Itong birthday mo ang magpapatunay na kinaya mo at kakayanin mo pa sa susunod na mga taon.

Sa sobrang saya ko, hindi ko na alam kung paano ang tamad paraan para ma-express yung feelings na nararamdaman ko ngayon. BASTA SOBRANG SAYA KO.

Ang hiling ko para sayo ay makatamtan mo yung mga bagay na talaga deserve mo at magpapasaya sayo ke-pangarap, pag-ibig, o sariling kagustuhan man yan. Napalaking part mo sa buhay kahit hindi man tayo gaano nakakapag usap kasi ikaw lang yung kaisa-isahang tao na nakakaintindi sa kung ano nga ba ang laman ng utak at puso ko. Kaya sobrang hinihiling ko talaga sa Diyos na ibigay lahat ng bagay na hindi ka ikapapahamak o hangga’t maaari ay hindi ka sasaktan na alam kong imposible pero basta DESISYON AKO E.

Ate ame, palagi mong tatandaan na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA AS IN SOBRA. Naniniwala akong valuable person ka kasi ang katulad mo ay bihira na sa mundong ito. Hindi man naging perpekto ang araw na ito pero ang pagiging kuntento at totoo ang nagpatunay na special ka ngayon.

Punong puno ng laman ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung paano ko ba masasabi lahat dito sa letter ko sayo pero sapat na ang mga salitang, ‘Nakataring ka sa panibagong yugot ng iyong buhay pagkatapos ng mahabang paglalakbay’.

Sa loob ng iilang oras, ang dami nating nabuong ala-ala ngayon na siguradong babalikan natin sa darating na panahon.

P.S. ibibigay ko sayo ang hard copy nito kapag nagkita ulit tayo. I love you

-Yannahbabes mo <3

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE