Merry Christmas, Yu!

GINOO

Mga salita ng puso ko'y pakinggan
Sa bawat tugmaan ng aking tula
ay ikaw ang laman

Sa bawat parirala na aking ginagamit
Sa bawat saknong at taludtod sinta ko
ikaw ang nais ko pakiligin

Sabi nila manunulat daw ang wag na wag mo iibigin,
Puro mabulaklak na salita lang daw kasi sila at mapag laro ng damdamin

Pero ginoo sa kanila'y wag kang maniwala,
Wala itong bahid ng katotohanan at pawang kasinungalingan lamang

Ako'y manunulat at iniibig kita

Sinta kung titibok din ang puso mo saakin magiging masaya ka

Yung sinasabi nilang manunulat ay mapaglaro?
Ginoo mga bantas at letra lang ang aking laman pero ang puso mo ay iingatan at seseryosohin ko

Papaiyakin ka lang daw ng manunulat?
Oo papaiyakin talaga kita sa ating kasal at pag isinilang ko na ang mga magiging anak natin

Ginoo,
Bubuhayin kita gamit ang mga letra sa bawat tula na isusulat ko gamit ang tinta

Ikaw ang magiging puso at kaluluwa ng aking bawat obra maestra

Sa lahat ng literatura
Ikaw ang magiging paborito kong paksa

Kung sakaling sa ibang binibini pa tumitibok ang puso mo
Mag-aantay ako hanggang sa ako naman ang ibigin mo
Hindi kita minamadali handa akong mag-antay
Kahit sabihin pa nila na ako'y nagiging sobrang pasaway

Gaano man yan katagal hindi ako magagalit hindi ako maiinip,
Dahil gaya ng kasabihan sa wikang ingles,
"You are worth it."

Nais kong bago mo matapos itong tula,
Nakangiti ka sana ng matamis habang ang iyong pisngi ay namumula

Hanggang dito nalang ginoo
ako'y magpapaalam na,
Iniirog kita sobra puso ko'y ikaw lang ang laman,
Maligayang Pasko aking minamahal

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE