Ang aming karanasan kapag pasko

Basta pasko, paldo
Sa tuwing papalapit na ang ber months, ako ay umiisip agad ng aming kabuuang malilikom na pera. Nananaginip ako ng libo-libong pera kapag paparating na itong kapaskuhan. Iniisip ko na agad na magbibigay ang aking mga ninang at ninong ng mahigit dalawang daang piso. Si Jian naman,hindi siya humahanap ng pera kapag paparating na ang araw ng kapaskuhan. Mas ginugusto niya na sa bahay lamang, naglalaro ng mga mobile games buong magdamag. Basta okey na siya na nasa bahay lamang kesa gumala sa labas. Si Joy naman, nagala rin siya para sa pera, ngunit mas lamang ang kaniyang interes sa mga pagkain na nakahain sa kanilang bahay at nabubusog siya ng wala sa oras. Kahit hating gabi na at oras na para tumulog ay tuloy pa rin siya sa pagkain. Madalas rin siyang nakakatulog sa simbang gabi tuwing madaling araw. Ang huli naman at si Sheena. Mayroon din siyang malubhang interes sa pera gaya ko. Iniisip niya ang kaniyang kabuuang malilikom na pera. Sabi pa niya ay mas masaya raw mamasko kung may mga kaibigan kang kasama. Nakakabawas ito ng hiya sa tuwing paparating sila sa bawat bahay na kanilang makikita, kahit na pera lamang ang kaniyang habol. Sa kabuuan, may iba't iba kaming mga interes pagdating ng kapaskuhan. May isang walang pake, may isang matakaw, may isang kupal na gusto lamang ay kumita ng pera ng walang kapalit. Group 3.Princess Joy Soriano, Jian Capio, Jimson Carl Ilagan, Sheena Español
Get your own website