Antas ng mga Mamamayan ng Roma —

Tuklasin natin ang ibat-ibang antas ng mga mamamayan ng Sinaunang Roma

Sa sinaunang Roma, Pinakamakapangyarihang antas ang Imperial Domus.Kinabibilangan ito ng emperador at kanyang pamilya.Itinuturing silang Diyos at Diyosa. Pangalawa ay ang mga patrician.Sila ang mga mayayamang mamamayan ng Roma.Nahahati sila sa dalawang antas:senatores at equites. Ang senatores ay binubuo ng mga senador at kanilang mga pamilya.Sila ang naglilikha ng mga batas at nagsisilbi ring tagapayo sa emperador.Ang mga equites naman ay ang yung mga negosyante at mangangalakal. Pangatlo sa mga antas ay ang "Pebian". Sila ang mga ordinaryong mamamayan.Sila ay nahahati sa limang klasipikasyon:vulgus, latini, peregrini, liberti, at servi.Ang mga vulgus ay yung mga malalayang mamamayan na namumuhay sa pagsasaka at paggawa ng mga tinapay.Ang mga Latini naman ay yung mga residenteng nakatira sa Latium.Ang mga pregrini naman ay mga taong nakatira sa labas ng Roma.Hindi ganap ang kanilang pagkamamamayan.Ang mga libertus naman ay yung mga lumayang alipin.Sila ay lumaya dahil kanila itong binili o di kaya sila ay pinalaya na ng kanilang mga amo.Ang panghuli naman ay ang servi o alipin.Nagiging servus ang isang tao kung parehong alipin ang kanyang mga magulang o kung may utang ito na hindi pa niya nababayaran.

External link

Sinaunang Roma

Ito ay isang lugar na dapat nating tuklasin

Marami tayong naging tanong tungkol sa sinaunang Roma kaya ito ang ating tatalakayain. Ayon sa alamat, ang Sinaunang Roma ay itinatag ng dalawang magkapatid na demigod na sina Romulus at Remus, noong Abril 21, 753 BCE.Sinasabi ng alamat na sa isang pagtatalo tungkol sa kung sino ang mamamahala sa lungsod ay pinatay ni Romulus si Remus at pinangalanan ang lungsod ayon sa kanyang sarili.Sa paglipas ng maraming panahon, Naisalin ang trono sa ibat-ibang mga tao.Lumaganap ang kanilang pamumuhay dahil nga sa malapit sila sa karagatan at sila ay may matabang lupa upang pagtaniman.Ang iba sa kanila ay namumuhay sa pangangaso ng mga hayop sa gubat at sa pangangalap ng isda. Nauso rin sa kanila ang kalakalan at ang mga mamahaling bato,Mga metal,At mga Alipin ang pangunahing kinakalakal dito.Ang pamamahala dito ay napaka estrikto.

Mga Diyos ng Sinaunang Roma

Ang Sinaunang Roma ay may 12 na Diyos at Ito ay sina Jupiter, Juno, Mars, Mercury, Neptune, Venus, Apollo, Diana, Minerva, Ceres, Vulcan, at Vesta.

Mga Naging Emperador ng Sinaunang Roma

Sa sinaunang Roma,Ito ay pinamunuan ng 12 na Emperador na sina Augustus,Tiberius,Caligula,Claudius,Nero,Galba, Otho,Aulus Vitellius,Vespasian,Titus,Domitian, at Nerva.

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE