Happiest Birthday My Queen! 🥰🎉🤍

You deserve all of this. I love you, madi.

Happiest Birthday to My one and only Mari Danielle V. Concepcion 🤍🎉

first of all sympre gusto kitang batiin ng maligayang kaarawan. sana maging masaya ka ngayong araw at sana ma enjoy mo ang bawat sandali ng birthday mo. wala man ako dyan ngayon sa tabi mo para pasayahin ka, pero alam mo naman na palagi lang akong andito para sayo kahit hindi man sa physical na bagay. I want you to focus on your birthday muna ha? gusto ko sana eh kahit man lang birthday mo ma enjoy mo yung araw at purong saya lang ang maramdaman mo. Sana bukas pag dumating na yung isang araw sa isang taon ng buhay mo eh nakangiti ka lang at purong saya ang maramdaman mo. enjoy your time with your family and kung andyan man mga pinsan mo. tapos sympre tayo soon mag eenjoy din para sa birthday mo, lalo na kung matuloy tayo ng 21. Nga pala, may gift pa ako sayo bukod don sa binigay ko tignan mo nalang bukas hehe surprise. may you always have good health and may god always bless you with things you really need. sana din lahat ng wish mo ay matupad at lahat ng pangarap mo soon ay makamit mo. alam ko na balang araw darating ka rin sa point na andun ka na sa mga bagay na dati nilista mo lang bilang mga plano mo. Isa sa mga gusto ko na matupad sa wish mo ay yung pagiging engineer mo, yan ang pinaka hinihiling ko ng paulit ulit na sana matupad at sana makamit mo. positive naman ako na maabot mo yan dahil napaka hardworking mong tao at sobrang proud ako sa lahat ng nagagawa mo. tandaan mo lang palagi ha? kung sila hindi naniniwala sa kakayahan mo. andito ako patuloy akong susuporta, maniniwala, at magiging proud sa lahat ng kakayahan mo. unahin muna ang mga top priority sa buhay ha? andito lang naman ako at palagi yon na i pupush ka para maabot ang mga kailangan mong maabot, basta kapag kailangan mo rin ng tulong mag sabi ka lang madi. handa ako laging tumulong lalo na kung ikaw.

gusto ko lang rin na sana mag stay yung pagiging genuinely happy mo as we are together. alam ko these past few days may mga misunderstanding tayo, may mga bagay na pilit sumusubok sa katatagan natin. kaya i'm proud sating dalawa kasi kinaya nating labanan lahat ng yon ng magkasama. patuloy lang natin yung ganto ha? yung pag laban natin ng mag kasama, pag laban natin as partners dahil alam ko at naniniwala ako na lahat ng yan kayang kaya natin parehas lalo nat napakalawak ng pag iintindi natin. ipagpatuloy lang natin yung ganito na laging may solusyon at laging pinag uusapan agad pag may pagsubok o problemang kakaharapin. lagi lang tatandaan na, oo pag aawayan natin, oo mag kakasagutan tayo, oo magiging problema natin ang isang bagay, at kung mangyari man yon at tapos na tayong mag usap tungkol don aayusin natin okay? mag stay tayo sa isat isa, kasi alam naman natin lahat kung paano man yan nag simula at kung paano natin i solve ng maayos. salamat madi, dahil palagi kang andyan para sakin rin, palagi kang andyan para sa growth ng relasyon natin. never kang nawala kahit minsan naiisip mo na gusto mo ng i stop dahil sa mga pakiramdam mo na dapat pero mas pinili mong mag stay dahil alam ko na alam mo rin na may tamang solusyon para sa nagaganap. salamat dahil hindi mo ako iniwan sa bawat bagay na sumubok satin lalo na nung mga nakaraang araw. napaka swerte ko talaga dahil meron akong ikaw sa buhay ko. keep it slow and steady lang madi, alam ko naman at naiintindihan ko na hindi ka pa sanay na ganto yung mga kaganapan sa paligid mo. sa totoo lang kahit ako eh kung mapapansin mo diba minsan masyado ako nag rereact kasi yun yung dala sakin/ satin ng mga naranasan natin noon na kinakatakot natin. kaya kung may mga ganon man, andito ako meron tayong "tayo" na maasahan natin para harapin yon ha? haharapin natin lahat yan ng magkasama at hinding hindi natin hahayaan na matalo tayo. alam kong paulit ulit pero tandaan mo lang palagi na meron kang ako at hinding hindi mag babago yon. palagi lang akong andito para sayo kahit na ano pa man okay? mamahalin, pipiliin, tatanggapin, at ikaw lang madi palagi. tandaan mo lang din na never akong gagawa ng mali na makakasira sa kung anong meron tayo. magsisinungaling ako sa lahat maliban sayo, madi. ginamit ko yung sinabi mo dahil isa rin yan sa maipapangako ko bukod sa ginagawa ko na mas vocal na ako sa nararamdaman ko.

sa loob ng 4 months andami ng naganap satin noh? umabot na sa point na nagkasama na tayo at para sakin yun yung pinaka highlight natin sa ngayon. sobrang saya ko nung araw na yon dahil nakita ko na yung babaeng pinapangarap ko na mapasakin. nakasama ko na yung babaeng gusto kong makasama ng panghabang buhay. nakilala ko na ng personal yung babaeng gusto kong pakasalan in the near future at higit sa lahat nakasama ko na yung babaeng nag bibigay halaga, importansya, pagmamahal, at pag aalaga sa akin. ang sarap sa pakiramdam na sa wakas nakasama ko yung babaeng tanggap kung sino at ano ako. na kahit ganto lang ako sa ngayon, never syang nag judge sa kung ano yung kinatatayuan ko. kaya sa tuwing may binibigay ako sayo, may pinaparamdam ako sayo at may mga bagay ako na ginagawa at napapasaya kita pag sinabi kong deserve mo lahat yon? totoo yon. kasi lahat ng bagay sayo nakaka proud at naappreciate ko lahat ng mga bagay na nagawa mo hindi lang para sakin kundi para satin. ibang klase ka mag mahal at ibang klase ka mag alaga, sa loob ng 4 months na nag kakilala tayo andami mo ng naiparamdam at naituro sakin. salamat at ikaw ang naging partner ko at patuloy ang pag guide mo sakin sa mga bagay bagay. salamat dahil naintindihan mo ako. yun andami ko na atang nasabi basta lagi mong tatandaan lahat ng yan ha? hindi na ko masyado mag dradrama bday greet pala dapat to. tandaan mo lang rin na hinding hindi ako mag babago, mananatili akong ganto sayo at mananatiling mahaba ang pasensya ko. lahat ng sinabi ko sayo mananatiling ganon yon lalo na yung part na ako ang magiging kakampi mo palagi at hanggang dulo. ikaw lang madi, ikaw lang palagi at sayong sayo lang ako. kung may tao man na may favorite sayo isa na ako don alam mo yan.

grabe noh ang bilis ng panahon parang kelan lang kaka 21 ko lang ngayon 24 kana. yun sana wag mag babago ha madi? stay ka lang sa pagiging ikaw mo. tanggap naman kita kahit na ano at sino ka pa, hindi mo kailangan mag bago okay? ikaw yung nagustuhan ko, yan yung nagustuhan ko sayo yung pagiging totoo mo kaya stay ka lang sa kung ano ka at sino ka ngayon. kasi palagi kitang gugustuhin at tatanggapin. ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko araw araw at palagi yan. stay lang tayo sa ganto ha? kung anong meron tayo smooth sailing naman tayo eh at kung mag ka ups and downs man sa pag layag ng ating barko. mag tulungan lang tayo, partners tayo ha? keep that in mind na mula noon nung nag simula ang 4 months natin meron ka ng ako at palagi ng meron yung tinatawag na TAYO sa relasyon natin na to. hindi nalang basta ikaw or ako meron ng tayo okay? hindi ka nag iisa yan ang tatandaan mo. sa kahit na anong pagsubok meron kang trystan na masasandalan, mahihingan ng tulong, maasahan, magiging kakampi, at higit sa lahat meron kang ako na mapanghahawakan mo sa kahit na anong bagay man yan. palagi akong thankful sayo sa lahat ng bagay kahit maliit man yan kasi sayo ko naramdaman yung mabigyang halaga yung ako kahit eto lang ako. tandaan mo lang rin na sabay tayong tatanda ha? sabay nating aabutin lahat lahat madi. ikaw at ako hanggang dulo, endgame ika nga. you will always be my one and only, the love of my life and my queen. madami pa tayong landas na tatahakin kaya kapit lang, laban lang at magtulungan lang sa lahat ng bagay. malayo ang mararating natin hanggat kasama natin ang isat isa at nagtutulungan tayo. mananatili kang part ng lahat tungkol sa akin, mula sa prayers ko, sa pangarap ko, sa future ko at sa mga plano ko sa buhay. sabay nating aabutin lahat ha madi? goodluck sa mga bagay na gagawin mo, support kita sa lahat ng yan.

i love you so much, kitten. stay happy. you deserve everything.

again Happy Happy Happy Birthday My Queen. we'll be as one, till the end.

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE