ms.plorera
koleksyon ng mga tula
find this app cute so i made one hehe,
it's just for personal collection of my poems... and if you happen to click the link through this...welcome 😊
☁️🌙☁️
find this app cute so i made one hehe,
it's just for personal collection of my poems... and if you happen to click the link through this...welcome 😊
☁️🌙☁️
ikaw ay mga bubog
mula sa minsang buong plorera
ang dating puno ng mga bulaklak
pinupuri ang kagandahan at halimuyak
ay kulong na lamang ng kahon sa sulok
nakatagong matalim na mga piraso
ng dating buo at kaibigibig
sa gitna ng pag bigat
ng puso umaasa kang
may mga kamay
na tutulong sayo
sa pagbitbit nito
umaasang may
mga bisig
na aakap nang mahigpit
sa kabila ng iyong
pagtaboy
at uulit ulitin
ang pag kamusta
hanggang sa matunaw
ang matigas na pader
na pilit mong itinayo
upang matago
ang wasak mong piraso
aminin mo
umaasa ka
na may pupulot
at susundo sayo
sa gitna ng dilim
katatapos lang ng paalam
gumalaw na ang kamay ng mga oras
bilang ng araw ay nagsimula nang bumawas
katatapos lang ng pagkaway
natuyo ang mga luha ng hangin
siyang malayang dampian ka rin
gaano man kalayo ang iyong marating
katatapos lang nang pag alis
ramdam parin ang halik sa pisngi
kahit nilinis na ng mga luha ang bakas ng 'yong labi
bitbit sa palad ang kahon ng pangako
akin itong itatago sa kailaliman na bulsa
pakaiingatan ang nagiisang kasiguraduhan
wala akong naibigay na bitbitin sa 'yo
ngunit kusang lumagay sa maleta mo ang
aking puso
ibinulong nito ang pangakong sabay kayong babalik at muling hahalik
umihip ang panggabing hangin
tanaw ang talang madilim,
iyong ibinulong na sa lahat ng bituin
ako ang pinaka maningning.