Mabuti pa i-blog ko na lang.
Dahil nadadalas ang gala ko ngayon
At ayoko mag flood ng posts sa IG
Ito nung pumunta kami sa Capones Island sa Zambales —
April 30 2022
Pasakay palang kami ng bangka
Medyo nag aalala ako baka hindi ako pwede kasi mabigathaha
Buti kaya naman at nagkasya ang life vest haha
Ito papunta na kami sa Capones Island.
Ang ganda ng kulay ng dagat
Pero ang labo ng pagka-picture ko
Woo andito na kami
At buhay pa ko
Aww 🐾🖤
Aw-aw hihi ito napansin ko agad. Hay miss ko na aso ko. Love you buboy 😘 <ikot mo na lang phone mo nirotate ko kasi naka-crop>
Babalikan nalang daw kami
Dapat ala-una pa kami magpapasundo kaso walang lilim. Kumain muna kami tas nagpasundo na. Mga weak haha
Naks
Wala lang ang ganda ng pagkakuha ko jan eh kaya ilagay natin haha
Payag ka tumira dito?
Lumangoy-langoy pa kami dito
Wala pictures busy na kami. Ang saya nakikipag laro yung mga isda. Wala pa rin dito si Nemo.
Antay namin yung bangka.
"Yun na ba yun? Di ko mabasa."
"Ako rin ano ba pangalan ng bangka natin?"
"Elisa 3."
"Yan ba? Ay hindi mukhang Elisa 5 yan."
"Dami naman bangka ni Elisa."
"Punta ko dun pag ayun tatalon ako ha, tignan nyo ko."
"Ay hindi pala sya kita."
"Tumatalon na ba sya nyan?"
"Di ko rin alam eh."
Haha
Ito Zambales ulit, sa San Felipe naman. —
Team building daw to. Sa limliwa.
May 1 2022
Tanghaling tapat. (Sana lahat tapat haha)
Pahangin lang ako nito sa may dagat. Pinapanood tas pinapakinggan ko lang yung paligid. Nag aantay ng tanghalian. Okay lang kahit hindi laging ganto kahit minsan hindi masaya, kahit minsan hindi madali, kahit minsan hindi tahimik. Kasi pag napagbibigyan ka minsan ng mga gantong pagkakataon, ibang klase.
Sunburn
Minsan kahit alam mong mapapaso ka, hahapdi ang balat, mamumula, mangingitim, magbabalat, papayagan mo pa rin ang init at sikat ng araw na yakapin ka. Kahit alam mong iiwan ka rin kapag gabi na. Di bale na, basta sumaya, basta naramdaman mong buhay ka. Saka may buwan naman.
Si kuyang nagbebenta ng ice cream pero ice drop talaga
Masarap yung buko salad pero mga kaopis ko pinipig karamihan pinili nila. Baka masarap rin yun. 30 ata o 35 pesos yun di ko tanda kasi nilibre lang naman kami.
Naglakad lakad kami sa may tabing dagat, pahangin lang ulit kaya pag uwi ko bloated ako eh. Haha
Ang daming ganap sa may tabing dagat, may mga pa-acoustic night, may bar ata yung sa isa kasi tugstugstugs yung tugtog. (Kaya ba tugtog tawag dun kasi ginagaya yung tunog ng bass?). Ang dami kong naipon na buhangin sa tsinelas ko nito.
Ito yung nga tent sa tapat ng kubo namin. Ay tange bat wala kong picture ng kubo namin.
Nakitambay na lang ako sa mga nag iinuman, tawang tawa ko sakanila buti hindi nila ko siningil ng entrance. Haha mga 11:30 iniwan ko na sila kasi gusto ko magising ng 5:00 kinaumagahan para sa sunrise. Yun paggising ko tirik na tirik na yung araw.