-
"Bakit ikaw?"
"Bakit nga ba ikaw?" ang isa sa mga mahihirap na tanong na mahirap sagutin. Hindi sa hindi ko alam ang sagot, pero 'di ko alam kung paano ko ba 'to sasagutin. Kung dapat ba ako gumamit ng mga matatalinhagang salita na makapaglalarawan sa'yo o dapat ko ba 'tong sagutin sa pamamagitan ng pagtukoy sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa'kin.
Pero, mayroon akong siguradong sagot.
Bakit ikaw? Simple lang.
Kasi ikaw,
Ikaw yung gusto ko na makitang laging nakangiti.
Ikaw yung laging gusto kong makita paggising ko sa umaga.
Ikaw yung tinitingala ko, dahil sayo gusto ko pang pag-igihan lahat ng ginagawa ko.
Ikaw yung masarap suportahan sa lahat.
At higit sa lahat
Ikaw ka.
Hindi ko na namalayan, pitong buwan na pala tayo. 'Di naman kasi ako mahilig magbilang ng araw pero gusto ko lang na malaman mong
Ikaw na bago pa maging tayo,
Ikaw sa loob ng pitong buwan,
At ikaw pa rin sa susunod pang mga araw.
Mahal kita. :)