To: My love of my life/Jungwonhae

From: Xaivrion

Hello, love. Happy 7th Monthsarry! Wala naman na akong ibang masasabi pa kundi pakatatag lang at lagi lang ako andito para sa'yo. At lagi kong sinasabi sa'yo na hindi ako magsasawang intindihan ka, Wala kang dapat baguhin o ibahin sa sarili mo dahil tanggap kita bilang ikaw at buong ikaw. Laking pasasalamat ko talaga at nakakilala ako ng isang babaeng mamahalin at tatanggapin ako nang buo, at ikaw 'yung babaeng 'yon na pinaramdam saakin ang tunay na pagmamahal na tanging lagi kong hinihiling sa Poong Maykapal. Sobrang saya at swerte ko na nakilala kita, 'yung tipong masaya ako dahil nakakita at nakahanap ako ng isang babaeng katulad mo, hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa kabutihan at kaugaliang hinahanap ko sa isang babae na pakakasalan at makakasama ko sa pang-habang-buhay. Swerte naman ako dahil sa binibigay mong pagmamahal, pagintindi at pagunawa sa isang lalaking katulad ko.

Hindi ko alam kung mukha ba siyang corny or cheesy and at the same time full tagalog HAHAHA. Pero kinikilig ako at naiiyak din dahil hindi ko inakala na aabot tayo sa ganito.

Hindi kona pahahabain paaaa. Basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwan. HAPPY 7TH MONTHSARY ULIT, I LOVE YOU ALWAYS! 💖

External link
OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE