Want to know more about me?

YAYA NOON, FINANCIAL ADVISOR NA NGAYON

Kwento ko lang nakakahiyang journey ko na ayaw ko i-share..
DATI.

HINDI NA NGAYON. 😜

Our life was a lot better when we were kids. Mall, Uniwide grocery every weekend, gala, sine at kain lang buhay namin no'n magkakapatid. May yaya din kami kasi busy palagi non sina Nanay at Tatay. Our Tatay that time was a Vice-President of a big bag company and Nanay had food business that got bankrupt when my sister got hospitalized and had to take maintenance to cure her.

In 1997, our father died. I was on my first year in high school. Our financial struggles worsened. Si Nanay lang halos lahat. Nagtitinda ng ulam sa bakuran namin, naglalaba at nagsisilbi mga kamag-anak at sa ibang tao para may maiuwi syang pagkain sa'min pagkatapos. Kami ng kapatid ko na si Icha, naglalako ng turon at banana que at nagtitinda ng yosi, Php 1.50 pa isang stick non. 😂

Naalala ko pa dati sumasama ko sa kaibigan ko maglaba sa Cubao para may pang-swimming ako kasama mga barkada namin. Ayoko kasi nanghihingi kay Nanay ng pera kasi alam ko hirap talaga kami. Naglinis ng bakery. Naglinis at nagpintura ng lapida sa Loyola Marikina. 😊

When I finished high school, I needed to stop for 2 years to give way to our eldest so she can finish college.

Those were the years when I worked as a saleslady for a year kina Kuya Ed and Ate Rose and when their liquor/ukay-ukay store closed, they got me for their house as a maid for another year. The funny thing back then was I don't even know how to do the laundry. 😂 Ang baho ng damit kahat may fabric conditioner. Marunong ako sa maraming bagay pero sa paglalaba, olats talaga. Haha. (pero ngayon alam ko na bakit, kwento ko sa ibang araw 😂😅🤣).

Tapos tuwing nanganganak si Ate Weng, kinukuha nila ako para magbantay sa ospital at mag-yaya naman tuwing summer at walang pasok sa school. Yaya ng 2 anak nya, kaya Financial Nanny. 😁

Nung time na yun nahihiya ako sa trabaho ko. It's respectable, yes! It's dignified, sobra!
But as a teen that time, iba ang tumatakbo sa isip ko.

I NEVER DREAMT OF IT.
AYOKO YUN.
HINDI YUN ANG GUSTO KONG MANGYARI SA BUHAY KO. 😢

WE REACHED THE POINT THAT WE HAD NOTHING TO EAT.

I WAS LEFT WITH NO CHOICE.
SO I STAYED.

After 2 years working with them, I told myself I had to do something to continue my studies.

I looked for scholarships where I can submit an application or had to find someone who will finance my studies.

Mama Alice was the answer, she supported me. Thanks to my friend Ella for introducing me to her. Two semesters had passed and Mama Alice can't support me anymore. Kinausap ko si Nanay tungkol don, sabi nya igagapang daw namin. At ayun nga, naigapang namin ang pagkokolehiyo ko at nakatapos ako, nakapagtrabaho as call center agent, got promoted as Quality Analyst, nagsideline as real estate agent, nung magkapera nag-aral maging professional makeu-up artist and when I finally realized that I'm getting financially stable, I applied and passed the licensed to be a Financial Consultant under Insurance Commission.

Sabi ko noon sa sarili ko na wala pa kong karapatan na mag-advise sa ibang tao about money matters or financial goals dahil ako mismo hirap sa bagay na yun.

PERO IBA NA NGAYON. 🙅‍♀️ (parang ang yabang ko dito 😂)

For more than 3 years being an FA, I'm now more confident kasi marami na rin akong na-accomplish at patuloy na ina-accomplish. Sobrang saya ko sa lahat ng hirap at experiences ko dati kasi nagbunga sila paunti-unti. Nakakatulong ako sa family ko, sa ibang tao at patutuloy ko naabot mga pangarap namin unti-unti.

Kaya KUDOS sa lahat ng Yaya, Tindera, Katulong at lahat ng nagpupursige para sa pamilya nila! Wag natin ikahiya yan dahil ang mahalaga e patuloy tayong lumalaban ng patas sa buhay!

Ang masaya pa sa pagiging FA e mas marami akong nakakausap na tao na marami ding pangarap. 👩‍🏫

Ang sarap sa pakiramdam whenever I talk to them about their dreams and how I can help them to achieve it.

Very noble. Very fulfilling!! ♥️♥️♥️

HANGGANG NGAYON, WHENEVER I HAVE EXTRA MONEY I MAKE SURE TO INVEST IN A NEW SKILL OR KNOWLEDGE.

Haba ba? Sorry na..
Pero tara? Let's learn and grow together!

Love,
Cza 💋

OH HEY, FOR BEST VIEWING, YOU'LL NEED TO TURN YOUR PHONE