Terrence Dominic
Ikaw si terrence? Luh sure ka? Hindi? Sige layas.
Bago buksan (para kay terrence at terrence op)
1. Sabihin mo muna salamat shopee
2. Kiss muna si pepe
3. Smile
Bago buksan (para kay terrence at terrence op)
1. Sabihin mo muna salamat shopee
2. Kiss muna si pepe
3. Smile
Tete..
Hello love, happy monthsary! Sorry kung di ako bumati agad, medyo may inisip lang kasi ako. Pero love hindi ko nakalimutan ah? May alarm kaya ako. Pero seryoso, ito na.
Love. Malapit na tayo mag one year. Mula kay Indy at Xumi, kah Sera at Terrence at ngayon na may babie Llyr na tayo. Minsan naiisip ko paano kung di tayo nagkakilala? Kung di ako nagdm dahil naghahanap ako ng kaibigan nun? Love sobrang saya ko na nakilala kita.
Kung noon, natatakot ako na isigaw sa mundo na mahal kita. Ngayon pwede ko na isigaw kahit saan dahil ikaw lang at ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko.
Salamat, sa lahat ng pagtiis mo sa kalokohan ko at mga pagkukulang ko sayo. Aaminin ko na di ako naging mabuti sayo dahil sinaktan kita. Pero kahit ganun, pinakita mo pa rin sa akin na kahit ano man ang mangyari, di mo ko iiwan. Love salamat. Dahil pinili mo ako sa kabila ng lahat ng nagawa ko, sa kabila ng lahat ng napagdaanan natin. Ika nga nila, you made me a stronger person.
Marami akong natutunan sayo, at marami rin ako nalaman. Naiintindihan mo pa ba lahat ng sinasabi ko-- ako kasi hindi na eh HAHAHA
Love kooo alam kong matampuhin ako :( sana di ka mapagod kakasuyo sakin pag ganun. At sana di ka rin mapapagod na ipaalala sa amin ni Llyr na mahal na mahal mo kami.
Hindi ako yung tipong showy, pero sana nagustuhan mo to.
Hindi ko alam kung ano pa ang magiging susunod na kabanata ng kwento natin, o kung malapit na ba isara ang ating aklat. Terrence Dominic nais ko lang sabihin ang mga katagang ito. Mahal na mahal kita. Ikaw lang. Xumi, Terrence, o kahit anong anyo pa yan. Ikaw lang ang mamahalin. Kahit tumigil ang pagikot ng mundo. Mahal kita.
Seraphine.
July 2
Hi. I don't usually find myself falling for someone behind the screen. It's weird, kung opinyon ko lang yung masusunod. Falling for someone you've never met, who knows maybe that's some psychopath behind the screen. But here I am, going back on my own words. It's embarrassing to break one of the golden rules of this world. But it is what it is.
Ano ba yan nauubusan na ako ng english di na ako tinutulungan ni grammarly. So saan nga ba nagsimula lahat? Sa totoo lang di ko talaga alam kung kailan ko to naramdaman eh. Akala ko nung una normal lang na kiligin sa interactions nila Terrence at Sera kasi di naman yon bago sakin. Pero habang tumatagal mas nakikilala ko na yung taong gumaganap bilang Terrence. Yung taong nagsusulat sa kwento ni Terrence at bigla kong naisip, paano kung talagang nagkakagusto na ako sa kanya?
Sige hanggang dito na lang muna pinapagalitan na ako ng maganda kong nanay.
Emma.
July 5
Luh iuupdate daw yung link pero di inupdate HAHAHAHAHA Emma duwag talaga kahit kailan. Hi ssob kinakausap kita dito kasi wala lang trip ko lang bakit ba. Pero saan na nga yon.. Oo nga parang di ko to magawang ibigay sa'yo kasi sobrang attachment ko sa character ni Sera. Natatakot ako na baka pag sinabi ko na may nararamdaman na ako para sa op mo biglang magbago lahat pati yung kay Terrence at Sera kaya dito na lang muna siguro to sa laptop para mas safe yung thoughts ko.
July 13
Ano ba yan :c Nagconfess nga ako pero walang nagbago kasi di mo ata nagets na di si Terrence yung crush ko pero yung op ni Terrence. Pero siguro mas mabuti na yon kasi natatakot pa rin ako pag nalaman mo kaya oo na sige na si Terrence crush ko. Di ko alam kung mababasa mo ba 'to or kung iuupdate ko talaga yung link. Wala eh, kinakain ako ng takot. Alam mo ba kwento ko lang miss ko na yung Jeddah. Konting glimpse ng buhay ko dun kasi skl naman.
Alam mo ba, halos 24 hours aircon sa Jeddah. Sa umaga kasi, sobrang init tapos pag gabi naman sobrang lamig pero pag pumasok ka ng bahay mainit pa rin HAHAHAH. Miss ko na yung allowance ko dun, pati yung mga kaibigan ko. Nagkahiwahiwalay na kami eh, tapos minsan lang nagkakaupdates sa gc kasi busy na lahat. Miss ko na rin yung pagkain dun, lalo na yung shawarma. ANG SCAM NG SHAWARMA DITO SA PILIPINAS. Ang laki ng difference kaya di ako bumibili ng shawarma dito :c
July 22
Nagsusulat ako ng report ngayon kunwari may ambag ako sa business ni tita & family. Wala hi lang update lang kita na medyo down ako nung mga nakaraang araw. Di ako kumain ng lunch kanina kasi natulog lang ako maghapon. Arghh parang ang bigat ng pakiramdam ko lately. Miss ko na siguro mga kaibigan ko na walang katoxican. Nakakapagod na rin dito, gusto ko na umuwi sa Jeddah. Crush pa ba tawag ko sa'yo. Wag na nga baka rumupok pa ako bigla di ako maka move on HAHAHAHA
July 28
Nag breakdown ako kanina. Nagaway na naman kami sa group of friends ko kasi di daw ako namamansin sa gc. Di ko masabi sa kanila na wala talaga akong gana makipag usap :(( Napapagod na ako gusto ko lang matulog ng matagal.
July 31
Pumayag na si mama na mag therapy ako. Ewan ko feel ko nababaliw na ako. Isang meal lang kinakain ko everyday kasi halos wala akong makain. Dalawang oras lang tulog. Zombie!Emma. First week of august daw appointment ko. Sana maging okay ako soon :(( Sana pogi rin yung doctor para maharot ko naman ng slight.
August 4
Malapit na scheduled date ng appointment ko. Yiie uncrush na muna para maiwasan ko pag overthink. Alam mo nagtry ako magcolor kahapon. Yung may numbers tapos specific color. Nakakakalma daw yon pero sumakit lang ulo ko kaya tinulog ko nalang. Tinry ko rin yung pag meditate kaso ayoko rin ng sobrang tahimik eh. Gusto ko na lang talaga matulog. Ng matagal. At sana paggising ko di na ganito kabigat. Sana okay na ako. Crush pa rin naman kita, siguro. Depende na, feel ko need ko muna unahin sarili ko bago ako mabaliw.
August 6
Di naman daw ako baliw HAHAHAHAH di rin ako depressed, thankfully. Anxiety level, severe. Pati stress level. Depression level di rin ganun kataas but I have to control my anxiety and stress daw para di mapunta sa depression. Ayun di ko na kinakausap yung mga kaibigan ko. Nagtry ako na bumalik sa rp pero wala pa rin. Hangga't di ako nagiging okay siguro di rin magiging okay yung pag open ko ng social media.
Pumayat rin daw ako, sabi ni mama. Nag aalala siya, alam ko kahit di kami ganun kaclose. Si kuya ayun busy pero tumatawag once a week para sermonan ako. Nakakapagod na rin pala. Gusto ko umiyak pero walang lumalabas. Tuwing gabi lang meron. Ampota ano yan scheduled ba yan.
August 10
Nagaway kami ni mama :( nakita niya yung dugo sa blanket ko kaya nakita niya yung sugat sa wrist ko. Nakalimutan ko takpan gamit concealer ampotek emma ambobo.
August 18
Second session. Mas lumala daw. Insomnia. Di na ako pinapainom ng kape dahil lumala rin palpitations ko. Tulog lang ako kung walang klase. Naiiyak ako di ako nakasagot ng maayos sa ethics recits namin. Feel ko tuloy ako lang nahalong bobo sa mga kaklase ko. Di ko alam paano sabihin kay mama na itigil na yung therapy kasi di naman nakakatulong. Sabihin ko kaya umuwi na lang ako Jeddah para maging okay ako?
August 23
Pagod. Tulog. Pahinga :( gusto ko lang maging okay para okay na rin lahat.
August 27
3:38 na. Kakatapos lang umiyak. Ganun ba talaga ako kadrama na iniiwan ako ng mga tao pati nung mga nagsasabimg di nila ako iiwan. Ayoki na mago oope up muli. Sobrang saknt. Di ko na alam ngagawin ko. *:((( tinry ko ulit yyng color keme kanina. Mdxyo gumana kaso ang dark nugn aogkacolor ko di ako natuwa :( iniean na naman ako. Sbai niya kasi ladt week ayaw nniy na gsnito ako. Yung insecure at malungkto. Ginaagwa ko naman lahat lalod na kung mmahkasa kami. Di ko binabanggit yun nararadmaman ko. Pero di na nagpaparsmdam. Frel ko magiging okah aao soon. Sana next montjokay na ako. Tete miss ka na raw ji sera. MMis ja rin kita kahit di ko alam king crush pa ba kita. Haopy crush? May ganyan ba? Sigruo meron? Inaantok na. Gusti ko na amtulog. Good night.